Saturday, January 19, 2013

Hello folks, here are some of the funniest pinoy jokes/tagalog joke that we gathered from different sources of the internet! Take your time to smile, laugh and have fun!



List of Pinoy jokes



-Green Minded 101



Unang hakbang: Silipin ang sentro



Pangalawang hakbang: Salat-salatin ang hiwa



Pangatlong hakbang: Ibuka ng kaunti



Pang-apat na hakbang: Dila-dilaan ang gitna



Panglimang hakbang: hintaying lumabas ang puti,



Panghuling hakbang: saka namnamin ng mabuti



Ayan! Presto! That’s the right way how to eat OREO COOKIES.
Akala niyo kung ano na no? Hehe



-Filipino teacher: Bob, magbigay ka ng 2 uri ng panghalip(pronoun)



Bob: Sino? Ako?



Filipino teacher: Magaling Bob




-NANAY: Nak, ang bait mo naman simula ng makalabas ka sa mental nagtanim ka na ng mga halaman dito sa bakuran natin. Bakit mo nga pala naisipan yan?



ANAK: Mommy, because A HUGE WAVE OF ZOMBIES IS APPROACHING!!



LOL



-Bob: tao po pagbilan nga po ng balonggam.
TINDERO: Wala, wala kaming bubblegum.
(KINABUKASAN)
Bob: tao po pagbilan nga po ng balonggam.
TINDERO: wala nga kaming bubblegum.
(KINABUKASAN)
Bob: tao po pagbilan nga po ng balonggam.
TINDERO: lintik na bata to ang katigas ng ulo sanabi nang wala kaming bubblegum. Hala sige bumalik kapa dito at babarilin na kita!
(KINABUKASAN)
BATA: tao po.
TINDERO: Ikaw na naman? Ano bibilhin mo?
BATA: may baril kayo?
TINDERO: ah wala kaming baril.
BATA: ah edi pabili ng balonggam.



Asar! haha



-1 Mamang lasing ang nakasalubong sa matabang babaeng may aso…
Lasing: Hoy, saan mo nakuha iyang baboy mo?
Matabang Ale: Oi, aso ito hindi baboy!
Lasing: Huwag kang sumabat diyan! Yung aso yung kausap ko!



Nagkasabay ang mag-ex sa elevator
Babae: Anong oras na ba?
Boy: Sorry pero hindi ako nagrerelo
Girl: Oh talaga?! Eh diba, 2 timer ka?
Sapul!



Nanay : Anak, bumili ka nga ng toyo sa tindahan.
Bob : Yaw ko nga! Gabi na. Nakakatakot sa na lumabas sa kanto.
Nanay : Huwag kang matakot, kasama mo naman angel mo eh.
Bob : Ok, siya na lang utusan mo! WALANJO, kaming dalawa pa lalabas para sa utos mo?
Nanay : Aba aba! Bastos kang bata ka ah? Sumasagot ka na?
BOb : Ang bastos nakahubad!
Nanay : *hinimatay*.
Bob : Ganyan ang bastos! Kausap mo, tutulugan ka. Umayos ka nanay ah? Baka di kita matantiya! Hmmpp
Tsk tsk! LOL



Bob: Miss gabing gabi na ah, bat naglalakad ka pa?
Girl: Ah so anong gusto mo gumapang ako? EEwww
Boom! LOL!



Pinoy Jokes 101



Watch out for more updates here at Tagalog Quotes and More!

Tuesday, January 15, 2013





Trust yourself. Create the kind of self that you will be happy to live with all your life. 





I love the way that I can smile with my best friend and she will know what exactly I’m thinking. 

Monday, January 14, 2013





hindi ako manghihinayang sa taong ako mismo ang sinayang.


More quotes here: tagalog quotes





alam mo ba kung ano ang palatandaan ng taong karapatdapat ingatan? Yun yung taong hindi ka iniiwan kahit napakahirap mong pakisamahan.


More quotes here: tagalog quotes

Saturday, January 12, 2013



LAPIS: Sorry.



ERASER: Para saan??



LAPIS: Kasi sa tuwing nagkakamali ako, binabawasan mo parte ng sarili mo, para itama lang maitama ako.



ERASER: Ayos lang yon, ginawa talaga ako para sayo, at sana pagnawala na ako mahanap mo ang bagong magtatama ng mga pagkakamali mo.



LAPIS: Sige, sisikapin kong hindi na magkamali, huwag ka lang mawala sa akin..

Hindi lahat ng kwento ay totoo at hindi lahat ng totoo ay dapat ikuwento.

Wednesday, January 9, 2013

Ang mga babae, sensitive yan.
Pag sinabihan mo yan ng ayaw niya kahit pabiro. Mananahimik yan.
Pag ginawa mo yung bagay na ayaw niya. Magagalit yan.
Pag pakiramdam niya nakalimutan mo na siya. Magtatampo yan.
Pag nag like ka ng picture ng ibang babae. Mag seselos yan.
Pero kahit ganyan mga babae, mahal na mahal ka niyan.
Kahit nananahimik yan. Ikaw pa rin gusto niyang kausapin.
Kahit magalit yan. Ibababa niya pride niya.
Kahit magtampo yan. Ikaw pa lalambingin niyan.
Kahit mag selos yan. Sayo pa rin loyal yan.

Monday, January 7, 2013

Ang BABAE hindi pinapahirapan, kundi pinaghihirapan.



Sa lahat ng emosyon na ipinapakita ng tao, SELOS ang pinakamahirap itago.



Ang babae, ginagalang yan. Hindi yung niloloko ng walang kaalam-alam



Ang mga chismosa para yang antena, lahat nasasagap.



Normal lang naman sa isang relasyon ang magselos paminsan minsan. Pero hindi na healthy kung napapadalas. Respeto parin ang mahalaga.



Kapag ako nagmahal parang NAGREREVIEW. AYOKO NG MAGULO KASI SERYOSO AKO.



Piliin mo ang taong makakapagpasaya sa’yo habambuhay at hindi yung panandalian lamang



Lahat ng tao nasasaktan, magaling lang talagang magtago ang ilan

Tuesday, January 1, 2013

Tagalog Friendship Quotes

Tagalog Friendship Quotes



Nakatutuwang isipin na meron mga taong hindi nagsasawang makasama ka kahit hindi naman sa lahat ng pagkakataon mabait ka.



Ang tunay na kaibigan ay hindi nagagalit kapag ininsulto mo. Sa halip ay mag-iisip sila ng mga mas nakaka-insultong salita na ibabato sayo.



Pag CELLPHONE nalaglag makapag panic wagas! pero pag KAIBIGAN ang nalaglag makaTAWA parang wala ng BUKAS!!!



Kung mabait ang isang kaibigan, sana naman huwag mong samantalahin ang kabaitan niya.



Sa tunay na mga kaibigan mo lang mararamdaman yung kakaibang saya, tawanan, asaran at kulitan.



Kung oras na para maghiwalay tayo ng landas. Ayos lang yan dahil alam ko namang hinding hindi mababawasan ang pagkakaibigan natin, nakatatak na yan sa puso natin habangbuhay.



Friendship is a pretty full-time occupation if you really are friendly with somebody. You canít have too many friends because then youíre just not really friends.



Friends are the most important ingredient in this recipe of life. Kaya napakatamis ng buhay ko dahil nandyan kayo! :)



I can’t promise that I will not leave you. Sometimes we need to say “goodbye!” coz we can’t hold on to something till d end but always remember, “tropa prin tau, khit billboard model na ko!”



swerte ko tlga dahil friend kita kasi mbait ka, mapagmhal, handang umunawa, matulungin, maalaga. Higit sa lahat cute pa! O ikaw nmn naniwala ka? Hahaha!



Hayaan mo na lang yung mga tao na hindi mo na nakakausap at lumalayo sayo at pahalagahan mo yung mga taong handang dumamay at makisama sa mga kalokohan mo. :)



being maangas is natural to us, astig kc, so when someone tells you, “ang angas mo!” just turn back and say, “apektado ka? Walang gamot sa insecure!