Monday, September 2, 2013

Mga Patama and Pinoy Sayings

Mga Patama and Pinoy Sayings


Mga babaeng kahit di kagandahan at nakakarinig ng panlalait sa iba, kinukuha lang sa tawa at dahil may kalooban silang mas maganda.


Aanhin pa ang Magandang Mukha kung UGALI naman ay sobrang Sama!


hindi mo Kailangan makipag-plastikan para lang magkaroon ka ng kaibigan!


"Pag mahal ka niya, gagawin niya ang lahat para sa’yo. Wag mong hayaang mawala siya at makuha 


ng iba dahil kapag nangyari yun, wag mo ng asahan pa na babalik siya dahil baka di na siya bitawan ng iba!


Akala mo wala na pero pag nakikita mo siya parang bumabalik lang yung dati. Parang kahapon lang nangyari Ang hirap! 


Ang daming taong naiinlove sa maling tao, alam nyo kung bakit? Kasi lahat ng sinasabi ng taong yon eh pakiramdam mo laging tama.


Gamit ng Cellphone. 
Taken : Text at tawag. In short, pang landian. 
Single : Pang picture, pang soundtrip, pang internet at pang alarm


bakit pag may gusto tayo kelangan iwanan natin yung iba para lang makuha yun? pero pag andyan na, saka mo 


malalaman na yung taong iniwan mo ay minsan na ring iniwan ang lahat-lahat sa buhay para lang sayo


Kung napipikon ka na sa mga pinagsasabi ko, ba’t di mo subukang takpan ang Bibig ko, gamit ng Bibig mo. Promise! Tatahimik ako


Sabi nila ang mga EX daw dapat KINAKALIMUTAN na. Sabi ko naman, bakit ko kakalimutan ang isang pinaka magandang EX-ample ng aking kamalian na naging dahilan para matuto akong pumili ng TAONG mas dapat pagkatiwalaan at HINDI ako iiwan.


TORPE - Lalaking marunong mahiya, marunong maghintay at higit sa lahat seryoso magmahal.


Wag na wag mo akong tatanunging kung gusto kita, Kasi baka pag sumagot ako, Kiligin ka. :)

Wednesday, August 14, 2013

Newest Tagalog love Quotes

Newest Tagalog love Quotes


Ang taong pinakamahirap tanggalin sa isip mo ay yung taong kahit hindi kayo, pero pinapasaya ka at binubuo ang araw mo.


Ang tunay na LALAKE, wala sa bokabularyo ang salitang “PAMBABABAE”


May mga bagay na alam mong walang patutunguhan pero pinagpapatuloy mo pa rin kasi dun ka masaya.


Ang mga babae tawa lang yan ng tawa kahit deep inside, selos na selos na.


Ang PAG-IBIG parang eksena sa INTERNET SHOP, kahit i-extend mo un time darating ung oras na matatapos ka at may uupo na iba para palitan ka.


Mahirap mag-MOVE ON ng ganun na lang kabilis pero hindi naman dapat sa lahat ng oras ay bubuuin mo ang araw mo sa pamamagitan ng pag-iyak dahil lang sa nasira ang relasyon na iniingatan mo.


"Wag kang magalit sa taong sobrang mabilis magtampo. Sobrang mahal kalang niya kaya apektado siya sa maliliit na bagay na ginagawa mo.” 


Pare-pareho lang nating gustong makakita ng taong mamahalin tayo at hndi sasaktan. Hindi masamang mangarap. Mahirap lang makahanap.


Newest Tagalog love Quotes


Matuto kang SUMUKO kung nasasaktan ka na ng SOBRA. Sabi nga nila, lahat ng mabigat, gumagaan kapag binitawan.


Kung mahal mo siya at pagod ka na. walang problema edi magpahinga ka wag yung hihiwalayan mo agad siya minsan kasi may ibang dahilan talaga kaya mo nasasabi yung salitang pagod kana. no matter what happens break up is not solution


“Mahirap magmahal ng sobra..nagbago ka para sa kanya, pinaglaban mo pa..samantalang siya, walang ginawa kundi PAIYAKIN KA.”


“Minsan, nakakasawa ng maging AKO, pwede bang SAYO nalang ako?”


ang pinakamasakit na goodbye, yung hindi pa naririnig ng tenga mo, pero nararamdaman na ng puso mo


Kapag niyaya kitang magsimba, huwag kang matawa. Pasalamat ka, SERYOSO ako sa’yo dahil kay LORD kita ipapakilala.


Ang babae kapag inlove, kulang pa ang isang araw para dumaldal. Pero kapag ang babae heartbroken, daig pa brown out, sa sobrang tahimik


Sasapit din ang gabi na makakaya ko nang maglakad sa dilim ng wala ka. at sisikat din ang umaga na gigising ako’t maiisip kita pero wala na ang dating sakit na nadarama.


Newest Tagalog love Quotes

Sunday, August 11, 2013

Pinoy Love Quotes

Pinoy Love Quotes


Huwag mong ipilit ang sarili mo sa taong napipi-litan lang na mahalin ka.TANDAAN MO: isda lang ang sumisiksik sa lata! SARDINAS ka ba?


Kahit hindi tayo lagi magkasama isipin mo love kita. Kahit ano mangyari, kahit saan magpunta. Busy man iniisip pa rin kita. Basta lagi ka magiingat ha! Kasi Mahal na Mahal kita.


sa libro ng buhay bawat kwento mahalaga bawat buklat, merong kakaiba pero alam mo ba kung aling pahina ang bumuo ng aking istorya?yung kwento kung saan nakilala kita.



Aaminin ko sayo, nung nakilala kita may mahal akong iba. Tulad mo hindi rin siya maalis sa isip ko. Pero wag mo isipin na minahal kita para makalimutan siya, kundi, kinalimutan ko siya para mahalin ka.


Kapag inlove ka.. lahat ng matatamis na salita para sa mahal mo, maiisip mo. Pero kapag break na kayo.. lahat naman ng masasakit na salita maiisip mong sabihin sa kanya dahil sobrang sakit din ng ipinaramdam nya sayo.


Kung ipagpapalit mo lang din naman ako sa iba! Siguraduhin mong may IBUBUGA! Hindi yung mukang IBINUGA! 


Pinoy Love Quotes


Kung mahal mo talaga ang isang tao, patunayan mo. Hindi yung ipaparamdam mo lang kung kelan mo gusto.


Kung mahal mo ang isang tao, di ka maghahanap ng wala sa kanya. Dahil masaya ka na sa kung anong meron sya.


Minsan kahit gusto mong subukan, iniisip mo, wag nalang kasi kahit naman subukan mo, alam mong imposible na.


Ang babae pag nasaktan mas nagiging matalino, maganda at matapang yan. Kaya kapag iniwanan mo yan, mahirap na yang balikan


Pinoy Love Quotes

Saturday, August 3, 2013

Tagalog Banat Quotes

Tagalog Banat Quotes


kung sa GITARA maririnig mo ang MUSIKA..dito sa PUSO ko, maririnig mong MAHAL KITA! PAKINGGAN MO PA !


Bago mo sabihing naiinis ka sakin, tanong mo muna kung natutuwa ako sayo.


DRIVER: Oh yung mga pangit bumaba na may check point.
PASAHERO: Eh kuya, sino magda-drive? 
BASAG!


Simula nung nauso ang salitang TWO IS BETTER THAN ONE, kumonti nalang yung mga taong nagmamahal ng STICK-TO-ONE.


Dadating yung panahon na tatawanan mo na lang yung mga oras na nagpakatanga ka.


Kapag hindi tayo magkasama o nagkikita, isipin mo na lang nag-eexam ka. BAWAL lumingon sa iba.


Tagalog Banat Quotes


Kung tatanungin mo ako kung ano bang NAKITA ko sa’yo? We’ll, I SEE nothing on you.  But I FEEL something for you.


Darating ang araw na mag-iiba ang ikot ng mundo. Yung tipong ikaw naman ang masasaktan at ako naman ang walang pakialam.


Mahirap magmahal ng patago , dahil yung sakit na nararamdaman mo dapat mo ring itago.


Yung mas pinili niyong maging magkaibigan na lang, dahil alam niyong doon kayo mas mag tatagal.


Hindi masama ang magkamali. Ang masama ay yung hindi ka nagbago at nanatili kang mali.


Tagalog Banat Quotes

Thursday, July 18, 2013

Tagalog Love Quotes For Her

Tagalog Love Quotes For Her


Masakit yung sabay kayo bumuo ng magandang alaala. Ngayon, ikaw na lang ang nakaalala at siya nakalimot na.


Dapat palagi mong mas mahal ang sarili mo para sa huli, hindi ka maiwang mas nasasaktan.


Hanga ako sa mga taong pinipilit maging malakas kahit nasa kanila na ang lahat ng karapatan para sumuko.


Wag mo ibabasura ang isang taong pinapahalagahan ka ng sobra dahil may mga basurerong nabubuhay sa mga tinatapon ng iba.


Hindi lahat ng kwento, totoo. Pwede mong pakinggan lahat, pero hindi lahat paniniwalaan mo.


Ang pagiging MANHID ay hindi batayan na hindi ka marunong MAGMAHAL, kundi patunay lang ito na isa ka na sa mga taong takot ng MASAKTAN.


Tagalog Love Quotes For Her


Kapag hindi ka pinahalagahan. Wag mong isiksik ang sarili mo. Sa huli ikaw din ang talo


Alagaan mo yung taong nagpapasaya sayo at pahalagahan mo yung taong sumasaya dahil sayo.


MAHAL KITA” - Salitang madaling BITAWAN, pero mahirap PATUNAYAN at PANINDIGAN


Kapag hindi ka pinahalagahan. Wag mong isiksik ang sarili mo. Sa huli ikaw din ang talo.


Kaya mo namang mabuhay kahit wala siya. ‘Yun nga lang, hindi na ganun kasaya.


Alam mo yung tipong madaming gustong magmahal sayo. Pero nababaliw ka sa isang taong di makita ang halaga mo.


Tagalog Love Quotes For Her

Sunday, July 14, 2013

Tagalog Love Quotes (August 2013)

Tagalog Love Quotes (August 2013)


sa ating buhay maaring huminto ang oras, lumipas ang araw, magdaan ang taon,ngunit isa ang sisiguraduhin ko,sa bawat umagang babangon ka


Yung taong yayakapin ka sa likod, at ididikit ang mga labi sa tenga moat sasabihin sayong di kita iiwan


Minsan, dahil lang sa ginawa ng ISANG lalaki,Nababago na ang pananaw ng isang babae sa,LAHAT ng lalaki


Hindi magiging madali ang paglimot sa isang tao, kung palagi mong aalalahanin kung paano ka napasaya nito.


Yung feeling na gusto ka ng taong gusto mo….pero walang tamang panahon para maging kayo.


Sana TRUE or FALSE nalang ang love. Kapag true di masaya, kapag false write the correct answer to make the feelings right.


Hindi ka papatahimikin ng iyong nakaraan kung patuloy mo itong binabalik balikan.


Di sapat ang ITSURA para di ka iwanan, nasa UGALI pa rin ang samahang pangmatagalan.


Malaking dahilan ang UGALI at ASAL para magustuhan at ayawan ka ng isang tao.Huwag mong ikatwiran na kung gusto niya ako dapat tanggapin kung ano ako.Dahil may mga bagay na hindi kayang tanggapin kaya kailangan baguhin.


Tagalog Love Quotes (August 2013)


Wala sanang taong bitter kung kaya lang nilang tumanggap ng katotohanan.


Malalaman mo lang na dapat siyang ipaglaban kapag siya mismo ay gumagawa ng paraan.


May mga tao talaga na kahit ibigay mo pa ang lahat sa kanila, naghahanap pa rin ng iba.


May mga taong araw araw kang lalandiin tapos kapag na-fall ka na, di ka na papansinin.


Wag mong seryosohin yung kasweetan niya. Bored lang yan kaya nilalandi ka!


Inaapi ka man nila ngayon, balang araw sila pa ang lalapit sayo para humingi ng tulong.


TURN ON : Yung lalaking hindi ka iiwan kahit moody ka, mabilis magalit, mabilis magselos, maraming gusto, at kahit matakaw ka.


Mag-aral ka ng mabuti. ‘Yung mga magulang mo iginagapang ang pag aaral mo samantalang ikaw lumalandi lang sa school. Mahiya ka naman.


Tagalog Love Quotes (August 2013)

Monday, July 8, 2013

Pinoy / Tagalog Jokes

Pinoy / Tagalog Jokes



"Free Taste" 


PROMO GIRL: Mam FREE TASTE po!


MAM: *kumuha ng isa at tinikman* Bakit ganito? Panis na?


PROMO GIRL: Kita nyo na mam!? Ganyan ang mangyayari sa pagkain nyo kapag hindi niyo nilagay sa ref. Kaya mam bumili na po kayo ng ref samin, sale ngayon!


 


PEDRO: juan nanaginip ako kagabi.


JUAN: ano yung panaginip mo???


PEDRO: naglaro daw tayo ng basketball, tapos bigla akong nadulas at nasalo mo ako tapos dumikit yung lips natin tapos.


JUAN: STOP!!!!


PEDRO: bakit???



JUAN: kinilig ako



Ang KAIBIGAN parang PERA. Kapag marami, mas masaya. Kapag kulang, nakakalungkot. Kapag nauubos, nakakaiyak. At kapag PEKE, DI TINATANGGAP !



"Deep River" 


(Nagawi sa ilog si Juan…)


JUAN: Bata! Mababaw ba yung ilog?


BATA: Opo!


JUAN: (Tumalon!) Saklolo! Saklolo! LOKO KA bata ka!!! Sabi mo mababaw, ang lalim pala!


BATA: Mababaw lang po talaga ,kasi po kanina tumawid pa nga po yung bibe jan eh, cool na cool lang.


 


"Duplicate"


BOY: Ikaw lang ang SUSI ng puso ko.


GIRL: Weh? Ehh sino ung kaholding hands mo kanina?


BOY: DUPLICATE yun. Baka mawala ka eh.


 


Sa room ng mag-asawa, may pumasok na killer.


Killer: Gusto kong malaman ang pangalan ng victim ko bago ko siya patayin. Anong pangalan mo?


Wife: Inday po.


Killer: Inday din ang pangalan ng nanay ko. Sige, di na kita papatayin..Ikaw anong name mo?


Mister: My name is Gary,but my friends call me Inday


 


May katulong na di marunong magtagalog…


AMO: Pag may nagtanong kung asan kami ng sir mo sabihin mu umalis nagsimba sa quiapo kung magtanung kung kelan ang balik sabihin mu malapit na.


KATULONG: OPO Ate..


(menimorize ang sagot pero nd ang tanung,habang naglilinis may taong mula sa INSECT KILLER COMPANY)


AHENTE: Meron pu ba kaung ipis,daga at lamok?


KATULONG: Umalis…


AHENTE: Huh? San pumunta?


KATULONG: Nagsimba sa quiapo..


AHENTE: NABABALIW NA ATA TO !


KATULONG: Malapit na.



TEACHER: Okay class pass your drawings!


TEACHER: Oh Juan bakit blangko tong papel mo?


JUAN: Ma’am nagdrawing po ako ng kalabaw na kumakain ng damo..


TEACHER: Wala akong makitang damo


JUAN: Ma’am, baka naubos na po ng kalabaw.


TEACHER: Ganun ba, e nasan yung kalabaw?


JUAN: Ma’am common sense naman po, syempre umalis na ung kalabaw ubos na ung damo e


 


Pinoy / Tagalog Jokes