Thursday, November 14, 2013

Tagalog Love Quotes (Nov. 15, 2013)

Tagalog Love Quotes (Nov. 15, 2013)


Kung nasaktan ka sa kabila ng pagmamahal mo, tanggapin mo ito ng bukal sa kalooban mo. Hindi dapat pinagsisisihan ang tagpong nagmahal ka ng walang pag aalinlangan, ang kailangan mo lang ay ang matutunan ang mga dalang aral nito sa’yo, tanggapin ang katotohanan na maling tao lang ang inibig mo, at isaksak sa iyong isipan ang mga masasayang ala-ala na iiwan nito sa ‘yo.


Balang araw mamimiss mo rin ako. Mamimiss mo bawat gm at sweet text mo. Kaya sana bawat mensahe ko sayo pahalagahan mo. Dahil baka dumating yung panahon na itong number ko. Hinding hindi na muling lilitaw sa inbox mo!


BAgo ka MAGDESISYON na makipagBREAK sa karelasy0n m, ito ang pinakaunang tan0ng na dapat m0ng sagutin,


"handa ka ba na makasalub0ng siya isang araw at makitang may KAHOLDING HANDS na iba?"
kung hindi mo kayang makita ang ganung eksena,huwag mong hihiwalayan:)


Kung talagang mahal mo ang isang tao, kahit anong klaseng pag aaway o tampuhan na meron kau, selosan o badtripan.. hinding hindi mo xa susukuan dahil ang pagmamahal di lang sinasabi yan


PINANININDIGAN


"Ang taong hindi nakakasawang sabihan ng mahal kita ay yung taong marunong magparamdam na mas mahal ka niya."


once na nasaktan ka sa pag ibig wag mong pang hinayangan dahil ang lahat ng mga ng yayari ay chalLenge lang panu ka matutu kung ndi ka masasaktan.,at laging may mga chapter yan..goodluck to your next chapter


Nakakatuwang isipin na may mga taong nakaka-appreciate at nagpapahalaga sa mga maliliit na bagay na ginawa mo para sa kanila.


Tagalog Love Quotes


Mahalin mo siya sa kung ano ung klase ng pagkatao niya, tanggapin mo siya sa kung ano ung uri ng katauhan niya, kung palagi mo siyang hahanapan ng mga bagay na wala sa kanya, kung palagi mo siyang ikukumpara sa iba, hindi talaga karapat-dapat ung relasyon na ipinaglalaban mo para sa kanya. kaya habang maaga pa, hangga’t hindi pa siya nagsasawa sa pagkatao mong nakakalito, matuto ka nang makuntento sa kung ano ung kaya niya lang iharap sayo.


Wag kang magmahal para lang maging masaya. Magmahal ka dahil handa kang masaktan para sa kanya. Dahil kapag ginusto mo lang sumaya, hindi ka nagmamahal, nanggagamit ka lang.


May mga tao talaga na lalapit lg sayo pag may kailangan, lalp na kpag uutang. Tapos kung mag sisingil kna parang sila pa yung may ganang magaliy, ba’t ganun? Haha


alam na alam mo na nga na ayaw niya sayo, bakit ipagpipilitan mo pa ang sarili mo? hayaan mo nang mawala kung hindi naman talaga nararapat pa na pagkaingatan. mahirap magmahal ng tao na walang kwenta, pero mas mahirap naman yung ramdam na ramdam mo na ngang pinagmumukha kang tanga, eh heto ka’t pinatutunayan mo pa sa kanya.


Aanhin mo pa ang pagtitiis ng mahabang panahon kung alam mo namang kakayanin mong bumitaw. Huwag mo ng hintaying puro na lang poot at galit ang nasa puso mo bago mo maisipan na bigyang laya ang sarili mo sa isang katulad niya na di marunong magpahalaga ng nararamdaman mo.



Tagalog Love Quotes

No comments:

Post a Comment