Friday, March 22, 2013

Cheesy tagalog love quotes

Cheesy tagalog love quotes


Sana hindi na lang kita nakilala. E di sana hindi ako nagkaka-ganito. Sana wala na kong iniisip pa. Ano ba yan? Puro sana! Ano pa bang magagawa ko e mahal na kita?


Minsan may nagtanong sa akin, paano daw kaya kapag nawala ka? Napa-isip ako, naluha. Natakot ako bigla. Tapos sabi niya, “Wag mo nang sagutin, sa mata mo pa lang halata na. Di mo talaga kaya.”


Hindi lahat ng pagkakataon masaya ang relasyon. Kaya nga sinasabi sa kasal ang mga salitang “for better or for worse”. Matuto ka ring magsakripisyo.


Mahal kita, mahal mo siya, may mahal siyang iba, ayos yan may patutunguhan tayo.


 Magulo talaga ang mundo! Kapag gusto ka, ayaw mo. Kapag gusto mo, ayaw sayo. Pero ang masakit don, mahal mo, mahal ka, pero hindi kayo.


 Mahal kita pero mahal mo siya. Seryoso ako, sabi mo seryoso din sha. Pero bakit nakita ko sha na may kasamang iba? Ngayon, iiyak-iyak ka, tapos sa balikat ko pa. Pasalamat ka, mahal kita.


Kapag may umaway sayo, gagawin ko ang lahat para mapagtanggol kita. Kahit sino pa o ano pa sha. Pero baka magising na lang ako na nasa harap kita at sabihin mo na, “Bakit mo ginawa yun? Ano ba kita?”


Maraming dahilan kung bakit hindi kita pwedeng mahalin, pero may isang dahilan kung bakit patuloy lang ako, MAHAL KITA, yun lang yon.


Sana sa paggising ko wala ka na, sana sa paggising ko hindi na kita kilala, sana sa paggising ko hindi na kita makita, Puro sana! Ang hirap talaga kapag nagmahal ka sa taong hindi ka pinapahalagahan.


Kapag mahal mo ang isang tao, madali kang magsalita ng mga bagay bagay kapag nagseselos ka, pero sa totoo lang hindi mo kayang gawin.


Kung naiinip kang dumating ang taong para sa’yo, huwag mo kasing antayin, parang bagay lang yan na nawawala bigla pagkailangan tapos kapag hindi na saka naman susulpot.


Cheesy tagalog love quotes

No comments:

Post a Comment