Wednesday, April 10, 2013

Ang mga lalake.

Ang mga lalake.

Ang mga lalake, tahimik lang sila… Lagi silang walang kibo, miski anong daldal mo, minsan wala talaga silang reaksyon. Normal lang yun, wag kang magreklamo, halos lahat ata ng lalake ay ganun. Mga lalake, minsan insensitive pero hindi ibig sabihin wala silang pake. Minsan kaya sila ganun para hindi nalang din sila masaktan. Yang mga lalaking yan kahit na walang kibo, nasasaktan din naman sila. Hindi natin alam na kahit todo ngiti sila kahit nasasaktan, wala silang magawa lunok nalang lahat ng sakit. Okay na na sila yung masaktan kesa tayong mga bababe. Hindi lahat ng lalake ay showy in public. Minsan, sapat na nasayo pinapakita na mahal ka talaga niya. Hindi naman ang buong mundo ang minamahal nila eh, kundi ikaw. Minsan, hindi din sila ma- effort kasi hindi naman nababase dun kung mahal mo talaga ang isang tao eh… Yung effort na sinasabe ko ay yung mga gifts gifts at surprises ha, hindi yung effort na pasayahin ka, alagaan ka at pahalagaan ka. Minsan, hindi din sila vocal sa pagmamahal nila sayo… Kung minsan nakakalimutan nilang mag- i love you sayo sa text o tawag, okay lang yan. Ang importante naman yung ginagawa niya kesa sa sinasabe niya eh. Yang mga lalaking yan, nasasaktan din sila… Sa lahat ng aspeto ng buhay nila. Sa pamilya, kaibigan at lovelife kaya wag kang echosera kung minsan, gusto niya mag- isa, ayaw ka niya kausapin muna kung may problema sila… Utang na loob, intindihin mo siya. Hindi niya ginagawa yun di dahil di ka importante pero, ginagawa niya yun kasi sobrang mahal ka niya na ayaw ka niyang madamay at mahirapan pa sa pagdadanas na kinakaharap niya. Yang mga lalaking yan, mas mataas pa kesa sa Eiffel tower and pride nila, NORMAL lang yun. Wag kang emotera na hindi ka niya sinusuyo. Aba teh, kung ikaw naman may kasalanan, ikaw magpakumbaba kasi kahit gaano pa kataas yung pride nila kung alam nilang sila may mali, sila magpapakumbaba. Hindi lahat ng lalake manloloko. Itaga mo yan sa bato. Hindi dahil nagmahal ka at nabigo ka, huhusgahan mo na silang lahat. Kaya nga iba iba tayo ng mukha eh, iba iba din mga ugali at pananaw sa buhay. Minsan, kaya ka naloloko kasi ibig sabihin, hindi kayo para sa isa’t isa. Minsan, pinapadanas din sayo ng Diyos na kung paano masaktan para alam mo kung paano magmahal pa lalo. Tandaan mo na hindi lahat ng lalake ay pare- pareho. Kahit na gaano sila ka- gago, kahit sobra kung makapaglaro ng feelings ng babae, kahit na ganyan sila… Gusto ko lang malaman niyo na may mga puso din sila at gusto lang nila ng isang tao na iintindi sa kanila at magsstay sa tabi nila kahit na gano pa sila kagago.

No comments:

Post a Comment