”Paano magmahal ang mga lalaki?”
Hindi man ipakita sa inyong mga babae ang Full effort, Pero sa tahimik nilang pagkimkim ng sakit lalo na kapag nagseselos, sobrang sakit na.. Hindi rin ma-kwento ang mga lalaki lalo na sa mga kaibigan dahil andyan yung sasabihin na ”WOW INLOVE!” at lalo na yung basag na nag-emo na ang lalake sasabihin ng barkada ”ANG DRAMA MO PARE” .. hindi tulad sa babae, andyan ang mga kaibigan na sasabihin ”CHEER UP SIS” at andyan din ang ”ANDITO LANG KAMI, KAYA MO YAN”
Ang lalake kapag nagmahal..
-Nagtatanong na yan ng ”Baka marami ka pang katext dyan” -Nagiging moody kasi nagseselos yan at hindi alam kung paano ito i-show -Laging matanong.. Pero pagdating sa babae TH (tamang hinala) kagad.. -Hindi rin nagpapakita sa gf na umiiyak sila, instead na sinasarili lang kapag nasasaktan sila.. -Laging nagtetext ng Goodmorning sa umaga.. Mauna man o late ng gising.. -Mag dota man, hindi parin nakakalimutan si gf dahil ang dota isang laro na pwedeng paglibangan (Na akala ng girl wala ng time para sa kanila ang bf nila) -Hindi sila showy (Kasi kapag naging showy sila, sabihin OA or something hindi bagay sa aura nila or prang dating sa lalaki, corny sila) -Tatanungin ka niyan kung saan ka pupunta, sino kasama mo, anong oras ka uuwi.. -Malinis sila tignan kapag inlove.. Lalo na kapag kasama si gf, magpapa-impress yan na gusto maging perfect sa paningin sila.. -Hindi man masyado ma-effort pero sa loob loob nila, talagang kinikilig sila lalo na kapag si gf nag-aalala sa kanila -At higit sa lahat, kahit galit si gf, tatahimik na lang yan.. Lalambingin si babae para mapa-kalma ito..
Para sa mga babae, ang swerte mo kapag may bf kang ganyan.. Kahit na minsan tamang hinala o iba kagad ang iniisip para sa mga lalake.. Kapag ganyan sila, wag kagad magalit, kasi di sila tulad ng babae na showy..
Para sa mga lalake, oo corny minsan kapag sinabi nyo sa tropa nyo inlove kayo kasi pagtatawanan lang diba? Pero maging proud dapat kasi nararamdaman mong nagmamahal ka, kahit anong iniisip pa sayo ng girlfriend mo :)
Wednesday, April 10, 2013
''Paano magmahal ang mga lalaki?''
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment