Tuesday, May 21, 2013

Pinoy Quotes and Humor

Pinoy Quotes and Humor 



FACT: Kahit gaano kahaba ng bakasyon, masasabi mo pa din na bitin na bitin ito.



Habang maaga pa sabihin mo na sa kanyang wala siyang pag-asa, kaysa sabihin mo sa kanya kung kelan umasa na siya ng sobra-sobra.



Hindi sa lahat ng oras KATAKAWAN ang dahilan ng PAGLAKI ng tiyan. Minsan dahil rin sa KALANDIAN.



Ang TAPAT na NAGMAMAHAL nandyan man o wala ang BF/GF nya hindi LUMALANDI.



Wag kang UMASA sa mga bagay na WALANG KASIGURADUHAN dahil sa huli IKAW rin ang KAWAWA.



TURTLE NET - Pasosyal na tawag sa mabagal na internet connection.



Ang buhay parang bato. It’s very hard but sometimes it rocks.



Nung naging magkaibigan tayo hindi ko akalain na mamahalin kita ng ganito, pero ang sakit pala dahil hanggang magkaibigan lang tayo.



Aanhin mo pa ang MAITSURA kung wagas naman MANLOKO. Dun ka nalang sa PANGIT, at least mata mo lang ang MANANAKIT.



Pinoy Quotes and Humor 



Sadyang may mga bagay talaga na kahit sobrang gusto mo eh hindi mapapasayo, dahil sa mundong to hindi lahat ng bagay ay makukuha mo.



May mga babaeng maganda lang sa malayo, pero meron din naman malayong maging maganda. LOL



Minsan mas MABUTI pa ang taong BINGI kaysa sa taong NAKAKARINIG nga kaso NAGBIBINGI-BINGIHAN naman at PINAPAKINGGAN lang ang gusto PAKINGGAN



Hindi madaling sabihing mahal mo siya pero mas magandang sabihin mo na dahil mas mahihirapan ka lang kapag nahuli ka na at naunahan ng iba.



Yung plataporma, PANGMASA.


Yung pangako niya, PAG-ASA. 


Nang makaupo na, PAASA.



Ang pagkakaroon ng magandang mukha ay hindi lisensya para makapanglait ng kapwa.



Pinoy Quotes and Humor 

No comments:

Post a Comment