Monday, May 20, 2013

Tagalog Quotes about Relationships

Tagalog Quotes about Relationships



Ang matalinong tao ay alam kung paano magmahal. Pero ang mas matalinong tao ay alam kung sino ang dapat mahalin.



ginawa mo na lahat, iniwan ka pa?! na-Jed Salang ka dude!



Kahit magakapaos paos pa ang puso mo kakasigaw para sakaniya kung bingi talaga siya Wala . Kawawa ka.



Kahit anong pilit mong kalimutan siya, kung mahal mo pa rin. Wala, paulit ulit ka lang masasaktan lalo na’t alam mong iba na yung taong mahal niya.



Kung sakali mang magkaroon ako ng second chance sa’yo, pangako, hinding hindi ko na hahayaang mawala ka. Alam ko bulok na linya na yan pero ipapakita ko sayo na desidido ako sa pangakong yan. 



Kapag sinabi ng babaeng: “sige, ituloy mo na yung ginagawa mo.” Ibig nyang sabihin, itigil mo yun at kausapin mo siya. Pag sinabi nyang: “wala”. Pilitin mo siyang magsalita. Ang babae kasi parang abstract, maganda pero mahirap ipinta.



Sarili mo lang ang pwedeng tumulong sa’yo para maka move on. Kaya kung may dapat kang ayusin, sarili mo muna.



Bad news: Hindi na kita babalikan..


Good news: Kasi kahit kelan HINDI KITA IIWAN! :)



Sa isang relasyon hindi pwedeng ikaw lang ng ikaw ang tumatanggap kaya nga may kasabihang “give and take.”



Tagalog Quotes about Relationships



Ang pagibig ko sa’yo parang bisyo.


Hindi MAPIGILAN



ako parang SARANGGOLA lang,laging malayo sayo pero may tali ako na nag-uugnay sa atin,yun ay HAWAK MO, kaya pag nawala ako, tandaan mo ikaw ang bumitaw hindi AKO



Hindi naman talaga ako nawala eh. Natabunan lang ako nung may dumating nang iba sa buhay mo.



Huwag mo akong idaan sa titig mo. Baka hambalusin kita ng ngiti ko… ;)



Linoko ka na nga . Sinaktan ka pa . Pero asaan ka ? Nasa kwarto mo , nagdadasal na sana mahalin ka ulit niya . Tama na ang pagpapakatanga sa taong wala namang pakealam sayo . 



Anung nagyari saken? tinatanong mo pa? Hindi ka lang naman nagparamdam saken kaya eto ituturing din kitang parang multo.



Hindi mo kailangan mag-isip ng rason kung bakit mo mahal ang isang tao.. dahil ang pagmamahal.. NARARAMDAMAN.. hindi PINAG-IISIPAN.



Tagalog Quotes about Relationships

No comments:

Post a Comment